Ibn saud father
Ibn saud spouse!
Ibn Saud
Si Abdul Aziz Al Saud, Hari ng Saudi Arabia (15 Enero 1876[1] – 9 Nobyembre 1953) (Arabe: عبد العزيز آل سعود) ay ang unang monarka ng Pangatlong Estadong Saudi na nakikilala bilang Saudi Arabia.
Mula sa kanyang buong pangalang Abdul Aziz bin Abdur Rahman Al Saud[2] o 'Abd al-'Aziz ibn 'Abd al-Rahman ibn Faisal al Sa'ud[3], pangkaraniwang siyang tinutukoy bilang ibn Saud[4] o Ibn Saud.[3]
Ipinanganak si Ibn Saud sa Riyadh sa Bahay ng Su'ūd (karaniwang may transliterasyong Saud), na sumunod sa kilusang Wahhabi ng Islam magmula noong ika-18 daang taon at makapangkasaysayang nakapagpanatili ng pangingibabaw sa panloob na mga lupaing matataas ng Arabya na kilala bilang ang Nejd (tingnan ang Unand Estadong Saudi at Pangalawang Estadong Saudi).
Simula sa muling pagsakop ng tahanang lungsod na Riyadh ng kanyang pamilya noong 1902, pinag-isa ni Ibn Saud ang kanyang pagtaban o kontrol sa Nejd noong 1922, sinak